December 25, 2024
Hindi ka ba nagtataka?

– Tula ni Alexandria

Nang pandemya’y dumating
tao’y binalot ng takot
maraming namatay
sangkatauha’y nanghilakbot

Subalit kalaunan 
agarang lunas ay natuklasan
ng mga doktor
na tila sundalong lumalaban.

Sa halip na mga doktor
ay itinuring na bayani,
anu ito’t pagkundina
ang sa kanila ay iginanti.

Nakapagtatakang  mga gobyerno
sa buong mundo ay tila bingi
at mga panukala ng mga 
tunay na eksperto ay isinantabi.

Kaya naman pala 
ganun na lamang ang takot,
sapagkat iba ang nais
ng mga gobyernong ialok.

Eksperimentong TUROK
sa atin ay pilit iniabot,
na animo’y tanging lunas
sa takot na sa ati’y bumalot.

Lunas daw na TUROK
ay dagliang tinanggap,
kahit pa epekto nito sa sangkatauha’y
di pa lubusang gagap.

Tila mga batang paslit
tayo ay sinuhulan
tanggapin lamang ang TUROK
na sa atin ay inilaan.

Subalit di lahat
ay ganap na napasunod,
kaya panggigipit
sa mga tao ay idinulot.

Galaw ay nilimitahan
maging hanapbuhay ay naapektuhan
sa di pagsunod
sa malaking kahibangan.

Matapos maiturok
sa nagtiwalang madla,
kapwa mahahawa at nakakahawa pa rin daw, may turok man o wala.

Karapatang pantao’y
walang patumanggang nilabag,
sangkatauha’y ginipit
ng mga gobyernong walang habag.

Araw, linggo at buwa’y lumipas
marami ang biglaang namatay,
mga tao’y nagkasakit
at may mga naratay.

Sa anung kadahilanan
mga gobyerno’y nagmamaang-maangan,
subalit halata namang
TUROK  ang siyang dahilan.

Hanggang ilang TUROK
ang sa ati’y ibibigay
bago natin maarok
ang tunay nilang pakay.

Di nakagugulat
mga tao’y nag-aalsa,
sa iba’t ibang dako ng mundo’y
gising na ang masa.

Sa matagal na pagkahimbing
mga Filipino’y kailan kaya magigising,
pagbalik sa normal 
ay hindi darating.

Di ako magtataka
kung hanggang ngayo’y tulog ka pa,
Pagkat tangis ng mga biktima’y
sinisikil sa “social media.”

Kalayaang gumalaw
na inagaw sa atin,
ay marapat lamang
na bawiin na natin.

Imulat ang mga mata,
magtanong at magsaliksik
maging kritikal tayo
at gamitin ang pag-iisip.

Hindi ka pa ba nagtataka?
Hindi ka pa ba napapagod
habang pikit mata’y
sa gobyerno’y sumusunod?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

×
×